Valenzuela City, nangangailangan ng mga kalalakihan para maging bahagi ng COVID-19 rescue personnel

30

Hinimok ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang mga kalalakihan sa lungsod na tumulong na rin sa paglaban sa COVID-19.

Partikular na nangangailangan ang lungsod ng mga kalalakihang sasabak sa rescue team.


Ilan sa mga kuwalipikasyon ay dapat residente ng lungsod, may edad na hanggang 35; at taas na hindi bababa sa 5’6.

Sa mga nais na maging rescue personnel, dapat mayroong LTO professional driver’s license na may restriction code na 1 at 2.

Ang mga aplikante ay sasailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel; at dapat pumasa sa driving at rescue skills test.

Sa mga interesadong taga-Valenzuela, maaaring magpadala ng resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com.



Facebook Comments