COMELEC – bumabalangkas na ng guidelines para sa pagpo-post ng political ads sa social media

Manila, Philippines – May binabalangkas nang patakaran ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa pagpo-post ng mga political advertisement sa social media.

Ito ay para matiyak na hindi lalampas sa itinakdang spending limit sa mga kandidatong mangangampanya para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – panahon na para i-regulate ang pangangampanya ng mga pulitiko sa social media na sa ngayon ay hindi sakop sa Statements of Contributions and Expenditures (SOCES) na kailangang isumite sa kanila ng mga kandidato.


Sa ilalim ng election laws, ang isang presidential at vice presidential candidate ay maaari lang gumastos ng P10 kada botante.

Sampung piso kada botante lang din para sa mga tatakbong Senador, Kongresista, Governor, Vice Governor, Board Members, Mayor, Vice Mayor at Konsehal.

Ang kandidato naman bilang party-list representative ay maaaring gumastos ng P3 kada botante; kada political party ay P5 kada botante at P5 rin kung independent candidate.

Samantala, paglilinaw ni Jimenez – ang pagbuo ng guidelines hinggil sa pangangampanya sa social media ay hindi pagbabawal sa freedom of expression ng mga pulitiko.

Facebook Comments