Singil sa kuryente ng meralco ngayong buwan – bababa!

Manila, Philippines – Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Enero.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga – epekto ito ng mas mababang generation charge nitong Disyembre.

Nabatid na karaniwang bumababa ang singil sa kuryente tuwing Enero dahil mas mura ang benta ng power generators kapag nire-reconcile nila ang outage allowance sa katapusan ng taon.


Bukas i-aanunsyo ng Meralco kung magkano ang magiging tapyas sa kanilang singil.

Pero dahil papalapit na rin ang panahon ng tag-init, pinayuhan ng Meralco ang kanilang mga customer na magtipid at bantayan ang konsumo sa kuryente kada buwan.

Facebook Comments