COMELEC, bumuo na ng task force para imbestigahan ang mga ulat ng vote buying

Bubuo ang Commission on Elections (COMELEC) ng task force na mag-iimbestiga sa mga ulat ng vote buying.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, marami silang natatanggap na ulat ng vote buying ngayong panahon ng kampanya kaya bubuo sila ng task force kasama ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Justice (DOJ).

Aniya, kailangan din ng pormal na paghahain ng reklamo para dito.


Nilinaw naman ni Garcia na hindi pa maituturing na vote buying sa mata ng batas ang mga umano’y abutan bago ang opisyal na panahon ng kampanya.

Kabilang sa mga posibleng parusa sa mga mapapatunayang sangkot sa vote buying ang pagkakakulong, disqualification sa pagtakbo ng kandidato, at kawalan ng karapatang bumoto.

Facebook Comments