Mahigit isang buwang libreng sakay sa MRT-3, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte

Magiging libre ang pagsakay sa MRT Line 3 simula sa Lunes, Marso 28 hanggang Abril 30.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa ginanap na seremonya sa pagtatapos ng MRT-3 rehabilitation project na pinondohan ng gobyerno at ng Japan International Cooperation Agency.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na ang pagtatapos ng rehabilitasyon ay patunay lamang na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga Pilipino.


Ayon pa sa pangulo, mula sa 25 kilometers per hour ay tumatakbo na ngayon ang mga tren ng MRT ng 60 kilometers per hour at nasa walong minuto na lamang ang interval sa pagitan ng mga dumadating na tren sa mga istasyon.

Bukod dito, ipinagmalaki rin niya na nasa 18 hanggang 22 na ngayon ang tumatakbong train units mula sa 12 hanggang 15 bago ang rehabilitasyon.

Facebook Comments