Ayon kay Atty. Jerbee Anthony Cortez, ang COMELEC Officer ng Cauayan, dapat sa designated areas lang dapat isinasabit o inilalagay ang mga posters o campaign materials at bawal aniya na maglagay sa mga poste, puno, highway, tulay, sidewalk at overpass.
Ipinagbabawal din aniya ang mga campaign materials na hindi sumusunod sa tamang size o laki kahit pa nakalagay ang mga ito sa pribadong lugar.
Dapat aniya ay nakalagay o nakapaskil sa mga common poster areas ang mga campaign materials upang maiwasan ang paglabag sa mga patakaran na ipinatutupad ng COMELEC.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng oplan Baklas bukas ang mga kawani ng COMELEC Cauayan katuwang ang mga tauhan ng PNP, BFP, DENR, DPWH at ng mga kawani ng POSU sa mga campaign materials na nasa mga ipinagbabawal na lugar.