COMELEC CAUAYAN, HANDANG HANDA NA PARA SA MAY 9, 2022 NLE ELECTIONS

Cauayan City, Isabela- Reading ready na ang tanggapan ng COMELEC Cauayan para sa May 9, 2022 National at Local Elections maging ang ibang mga taong magsisilbi sa araw ng botohan sa Lunes.

Ito ang inihayag ni Election Officer Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Cauayan kung saan aabot sa halos 800 o walong daang katao na binubuo ng mga electoral boards o poll workers maliban pa sa mga uniformed personnel at medical team ang ipapakalat sa lahat ng polling precints sa Lungsod.

Una nang natanggap ng Cauayan nitong mga nakalipas na araw ang mga official ballots at Vote Counting Machines o VCM na gagamitin para sa araw ng eleksyon kung saan ay maayos naman itong ipinasakamay sa Lungsod.

Bahagya na ring nasilip ng COMELEC kasama ang ilang tumatakbong kandidato ang mga natanggap na balota kung saan ay tama at wala namang naging problema sa mga natanggap na balota.

Nakatakda namang isagawa bukas, May 6 ang final testing at sealing sa 149 na VCMs bago ihatid sa bawat clustered precint sa Lungsod maging ang mga gagamiting balota.

Samantala, pinabulaanan naman ni COMELEC Officer Atty Jerbee Cortez ang umano’y may mga pre-shaded na official ballots sa Lungsod dahil unang-una aniya ay hindi nila nakita ng kabuuan ng mga balota at mayroon din aniya silang mga kasamang bumubuo ng electoral board at mga tumatakbong kandidato.

Hiniling nito sa mga kandidato na huwag sanang magpakalat ng mga maling impormasyon para iwas sa kaso at hindi rin mabahiran ng negatibo ang nalalapit na eleksyon ganun din na hindi maapektuhan ang pag-iisip o desisyon ng mga tao.

Paalala naman nito sa mga boboto na huwag basta basta maniwala sa mga ipinapakalat na impormasyon lalo na sa social media o di kayay sa mga naririnig na impormasyon sa ibang tao.

Payo rin nito sa mga voters na bago umupo sa pagbobotohan ay inspeksyunin muna sa harap ng mga electoral board ang ibibigay na balota para makita kung blangko o pre-shaded na at kung sakali namang may mga na shadan sa balota ay agad itong sabihin sa mga nagbabantay na electoral board.

Facebook Comments