Comelec Chair Andres Bautista, na-impeach!

Manila, Philippines – Tuluyan nang pinatalsik ng Kamara si Comelec Chairman Andres Bautista.

Ito ay sa kabila ng pagsusumite niya ng resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa botohan, 137 mga kongresista ang tumutol sa dismissal ng impeachment complaint laban kay Bautista dahilan para tuluyan siyang ma-impeach sa Kamara.


Pitumpu’t lima naman ang pabor na ibasura ang reklamo habang dalawa ang nag-abstain.

Ayon kay Cebu Rep. Gwen Garcia – tama lang na i-impeach si Bautista dahil kung tinanggap nila ang resignation ng Comelec Chairman, baka magbago pa ang isip niya kung na-dismiss ng Kamara ang reklamo.

Kung nagkataon aniya, may isang taong immunity si Bautista laban sa impeachment at pwede pang pumapel sa paghahanda sa 2018 election.

Naniniwala naman si Kabayan Rep. Harry Roque na ayaw din ng 137 kongresista na maisahan sila ni Bautista.

Facebook Comments