Manila, Philippines – Mahaharap sa mabibigat na kaso si Comelec Chairman Andres Bautista sakaling piliin nitong magresign na agad para hindi na umabot ang impeachment trial nito sa Senado.
Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, sakaling magbitiw na si Bautista ay pwede itong sampahan ng kaso na graft and corruption at plunder.
Malinaw aniya ang graft and corruption sa sabwatan sa Smartmatic at pagtanggap ng komisyon sa Divina Law Office habang plunder naman sa 1 Bilyong nakaw na yaman ng Comelec Chairman.
Samantala, hindi naman makikialam si Roque sa mga itatalagang House Prosecutor Panel sa Senate Impeachment Court.
Aniya, ipapaubaya na niya kay Speaker Pantaleon Alvarez kung sinong mga kongresista ang bubuo sa 11-man team na prosecutors sa impeachment kay Bautista.