COMELEC Chairman Andres Bautista, bumuwelta sa mga alegasyong ipinupukol sa kanya

Manila, Philipppines – Binuweltahan ni COMELEC Chairman Andres Bautista si Atty. Lorna Kapunan na siyang legal adviser ng kanyang asawa.

Kaugnay ito ng mga alegasyon ng abogada laban sa kanya.

Ayon kay Bautista – may malalim na galit lamang sa kanya ang abogada.


Nag-ugat aniya ang kanilang alitan noong siya pa ang chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sinabi ni Bautista na itinalaga siya ng administrasyon ni Dating Pangulong Noynoy Aquino sa ahensya kung saan board member at legal counsel si kapunan.

Iginiit din ng hepe ng poll body na si kapunan ang kumontra sa kanyang nominasyon bilang chief justice ng Korte Suprema.

Itinanggi rin ni Bautista na mayroon siyang sex den at hindi siya nagdadala ng prostitute sa kanilang condo unit.

Wala rin aniya siyang mga porn site account na sinasabi ng abogada.

Facebook Comments