Manila, Philippines – Handa si COMELEC Chairman Andres Bautista na magbitiw sa pwesto kasunod ng alegasyon ng kanyang asawa na si Patricia na mayroon siyang bilyong pisong tagong yaman.
Sinabi ni Bautista na hindi siya magbibitiw bilang Chairman ng COMELEC, pero kung hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handa siyang mag-resign.
Bago naging chairman ng poll body, si Bautista ay dalawang dekadang nagsilbi bilang abogado sa mga international law firms at mga ahensya ng gobyerno.
Kasal ito sa businesswoman na si Patricia Paz at mayroon apat na anak na lalaki kung saan labing anim na taong gulang ang kanilang panganay.
1990 ng nagtapos si bautista bilang valedictorian sa kursong law sa Ateneo de Manila University at nag-masters sa Harvard University.
2006 nang naging CEO siya ng investment firm na kuok group na kinabi-bilangan ng Shangri-La hotels and resorts.
2010 nang pangunahan naman niya ang Presidential Commission on Good Government, bago siya itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino II bilang chairman ng Commission on Elections.