COMELEC Chairman Andres Bautista, pinag-iisipan pa kung magli-leave of absence sa COMELEC

Manila, Philippines – Hindi parin napag-iisipan ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang posibilidad na pagbibitiw nito sa pwesto matapos masangkot sa eskandalo ng ill-gotten wealth.

Ayon kay Bautista patuloy ang kanyang pag-iisip at pagdarasal at nalalapit na rin naman ang kanyang desisyon pero hindi aniya dapat ito minamadali.

Dagdag pa ni Bautista na hindi niya minamasama ang mga panawagan na siya ay bumaba na siya pwesto dahil bahagi anya ito ng serbisyo publiko.


Pero pag lilinaw ng COMELEC opisyal mayroon siyang responsibilidad sa COMELEC na kailangan niyang gampanan at protektahan.

Matatandaang ilang linggo lang ang nakakaraan ng ibunyag ng asawa ni Bautista na si Patrcia ang umano’y tagong yaman ng Comelec Chairman na naging dahilan naman para mag duda ang publiko na ito ay posibleng galing sa katas ng 2016 National Election.

Unang nang pinayuhan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon si Bautista na mag-leave of absence muna dahil naapektuhan ang imahe ng komisyon.

Hati naman ang pananaw ng mga empleyado ng COMELEC hinggil sa pagli-leave of absence ni Bautista.

Facebook Comments