COMELEC Chairman Andres Bautista, pwede pa ring maimpeach kahit magre-resign na

Manila, Philippines – Posible pa ring mapatalsik sa kanyang pwesto si COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kabila ng isinumiteng resignation letter ni Bautista.

Paliwanag ni Alvarez, sinabi ni Bautista na hanggang sa katapusan ng taon pa siya mananatili sa COMELEC.


Nangangahulugan na hindi pa nagbitiw si Bautista.

Pwede pa aniyang mabaligtad ang desisyon ng Kamara sa impeachment complaint ni Bautista kapag nakakuha ng 1/3 o 98 na boto ng mga kongresista sa plenaryo at diretso na itong maiaakyat sa Senate Impeachment Court.

Mamayang hapon sa sesyon ay pagbobotohan na ng Kamara ang committee report sa dismissal ng impeachment complaint kay Bautista.

Maaari lamang mabasura ng tuluyan ang impeachment complaint kung ngayon mismo ang effectively ng resignation ni Bautista.

Facebook Comments