COMELEC Chairman Bautista, bukas sa iminungkahing lifestyle check ni Senator Poe sa kanya

Manila, Philippines – Walang problema kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang mungkahi ni Senator Grace Poe na maisailalim siya sa lifestyle check.

Ayon kay Bautista wala naman siyang itinatago kung kaya’t bukas siya sa anumang imbestigasyon.

Una nang iminungkahi ni Senator Poe na dapat isailalim sa lifestyle check si Bautista maging ang iba pang commissioner ng COMELEC.


Ito ay kasunod narin ng ibinulgar ng asawa ni Chairman Andy na si Patrica Bautista na mayruon umanong tagong yaman ang poll chief.

Giit ng senador na kung mapapatunayan ang mga alegasyon ay maaaring ma-impeach o matanggal sa pwesto si Bautista.

Facebook Comments