Manila, Philippines – Ikinagulat ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang boto ng kamara para i-impeach siya lalo na’t una nang ibinasura ng House Justice Committee ang reklamo.
Pero ayon kay Bautista, handa naman siyang bumaba sa puwesto kung gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sa katapusan pa ng taon magkakabisa ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Paliwanag pa ni Bautista, hindi naman agad-agad ang kanyang pagbibitiw.
Ito ay para bigyan ng sapat na panahon si Pangulong Duterte na humanap ng kanyang kapalit.
Kaugnay nito, pinasalamatan ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang naging serbisyo ni Bautista.
Facebook Comments