Nakalusot na sa Commission on Appointments (CA) ang nominasyon para sa confirmation bid ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia.
Mahigit isang oras lamang ang itinagal ng mga pagtatanong at pagbusisi ng panel kay Garcia.
Hindi rin nakaapekto sa kanyang kumpirmasyon ang naghain ng oposisyon laban kay Garcia na si Leonor Barcelon-Whale kaugnay sa isang condominium unit sa Makati City na nirentahan ng opisyal at ibinenta na kalaunan ay ibinasura rin ng korte.
Nangako si Garcia sa panel na sisikapin niyang higitan ang magandang resulta ng 2022 elections para sa mga susunod na halalan.
Plano ni Garcia na maglatag ng reporma para sa maayos na pagsasagawa ng mga susunod na eleksyon at paiigtingin pa ang transparency sa mga aktibidad at programa ng COMELEC.
Palalakasin din ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawain at titiyakin ang professionalism sa kanilang mga tauhan para sa mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin.