Tourist destinations sa Maynila, bantay-sarado na kasabay ng pagpasok ng ber months

87
Courtesy: Revoli Cortez | Manila Standard

Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na nakabantay na ang kanilang pwersa sa mga pasyalan sa lungsod.

Kasabay ito ng pagpasok ng ber months kung saan dumadagsa ang mga turista.

Ayon kay P/Lt. Jesie Yape Escalo, hepe ng Tourist Police Unit ng MPD, iniikutan nila ang lahat ng mga “must-see” places sa lungsod para siguruhin ang kaligtasan ng mga turista na namamasyal sa lugar.


Ilan din aniya sa kanilang mga tauhan ang nagpapatrol gamit ang bike dahil mas madali silang makapasok sa mga masisikip na kalsada sa Maynila.

Facebook Comments