Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nagbantang isusulong ang pagsasama sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa partylist

Tiniyak ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na isusulong niya ang pagsama sa mga natalong partylist nominees sa umiiral na 1 year appointment ban sa anumang pwesto sa gobyerno.

 

Ang banta ni Guanzon ay kasunod pagkakatala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating PCOO Asec. Mocha Uson

bilang bagong Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


 

Ayon kay Guanzon, hindi dapat maituring na “favored class” ang mga partylist group dahil hindi naman sila “protected class”.

 

May 2017 nang maupo si Uson bilang Assistant Secretary ng PCOO pero nagbitiw noong nakaraang  taon matapos ang ilang kinasangkutang kontrobersiya.

 

Naging nominee si Uson ng AA-Kasosyo partylist pero hindi pinalad na makakuha ng pwesto sa Kongreso.

Facebook Comments