COMELEC DAGUPAN, ALL SET NA SA MAGAGANAP NA FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY PARA SA BSKE 2023

All set na ang hanay ng Commission on Elections o Comelec Dagupan sa magaganap na Filing ng Certificate of Candidacy o COC next week.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, inaasahang aabot sa tatlong libo ang mga magpa file ng kani-kanilang mga COC na magbubukas mula sa lunes, August 28 hanggang Sabado, September 2.
Aniya, hindi na sila naglagay ng iskedyul ng mga Barangay na magtungo sa Comelec Office upang mag file ng COC dahil tatlumpung Barangay lang naman aniya ang sakop ng Lungsod.

Samantala, umaabot naman na sa anim na raan ang tinanggal ng Comelec sa voter’s list sa iba’t ibang kadahilanan kung saan ay nasa 141k ang rehistradong botante na kwalipikadong bumoto sa October 30 BSKE. |ifmnews
Facebook Comments