COMELEC DAGUPAN, NAGPAALALA SA MGA KABATAANG PLANONG TUMAKBO BILANG SK SA PAPARATING NA BSKE 2023

Nagpaalala ngayon ang Commission on Election (Comelec) Dagupan sa mga kabataang magnanais kumandidato sa nalalapit na eleksyon sa Barangay at SK Elections 2023.
Sa isang panayam sinabi ni Atty. Michael Franks Sarmiento, ang Dagupan City Election Officer, ang mga kabataang may plano o nagnanais na tumakbo bilang kabataang opisyal ay kailangang magtungo sa opisina ng komisyon para magkaroon umano ang mga ito ng ideya gaya na lamang ng mga kwalipikasyon sa pagkandidato.
Kung saan aniya pa, layunin nito upang maiwasan na ma-diskwalipika o mapatawan ng election offense for material misinterpretation dahil sa kawalan nila ng sapat na kaalaman sa paghahain ng kandidatura.
Ayon sa opisyal ay mayroon na umano silang mga naitala na problema noong mga nakaraang botohan kung saan marami umanong kumandidato ang na-disqualified dahil hindi natapos o naabot ang mga requirements gaya na lamang ng kanilang edad at voting qualifications.
Ayon pa rito, karamihang dahilan sa kanilang diskwalipikasyon ay hindi angkop ang edad sa age requirement para sa posisyon kung saan niya ay hindi umano dapat bababa sa 18 taon at hindi lalagpas sa 24 na taon sa araw ng halalan.
Ilan pa sa mga problema ng ilan ay hindi umano rehistrado ang kumandidato sa lugar na kanyang tinakbuhan.
Samantala, ayon naman sa batas ay ipinagbabawal rin ang pagkandidato kung mayroong kaanak hanggang second civil degree of consanguinity o affinity na incumbent official, ito man ay sa Barangay, City, Municipal, Provincial, Regional o National level kung saan bawal ito sa ilalim ng Anti-Dynasty provision na nakasaad sa SK Reform Law na dapat malaman ng mga kabataan.
Facebook Comments