IBA’T IBANG PAARALAN SA MGA ESTABLISYEMENTO SA PANGASINAN, NAKIISA SA SIMULTANEOUS NATIONWIDE EARTHQUAKE DRILL

Matagumpay na nakiisa ang iba’t ibang paaralan at mga establisyemento sa Pangasinan sa Simultaneous Nationwide Earthquake Drill.
Isinagawa ang simultaneous na earthquake drill na ito bilang pakikiisa at suporta sa layunin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na magkaroon ng kaalaman sakaling magkaroon ng disgrasya o kalamidad lalong lalo na sa lindol.
Layunin din ng naturang aktibidad ay upang himukin ang pangkalahatang publiko na makibahagi sa mga aktibidad na nagtataguyod sa kahandaan at pagtugon sa mga sakuna at hindi pangkaraniwang mga insidente.

Nanawagan naman ang mga awtoridad na huwag isantabi ang mga kalamidad at maging handa sa lahat ng pagkakataon. |ifmnews
Facebook Comments