COMELEC DAGUPAN NANAWAGAN SA MGA KUMANDIDATO NA AGAHAN ANG PAGSUSUMITE NG KANILANG SOCE

Nanawagan ang Commission on Elections Dagupan sa mga kumandidato sa katatapos na National and Local Elections 2022 na agahan ang pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento ang City Election Officer, iwasan sana ang last minute filing sapagkat sasailalim pa ang kanilang dokumento sa validation ng ahensya.

Sinabi ng opisyal na may mga kandidatong pumupunta na sa kanilang opisina upang hingin ang kanilang tulong ukol dito.

30 araw ang ibinigay sa mga kumandidato upang maisumite ang kanilang SOCE.

Babala ng ahensya na ang sinomang mabibigo sa pagsusumite ng kanilang SOCE ay may katapat na administrative sanctions laban sa kandidato at electoral parties.

Samantala ang mga nanalong kandidato ay maaaring magsumite ng kanilang soce sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng kanyang proclamation. | ifmnews

Facebook Comments