Nanawagan ang Commission on Elections Dagupan sa presensya ng mga healthcare authorities at volunteers sa araw ng halalan.
Sa panayam kay COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Frank Sarmiento, aabot sa isang libong botante ang kadalasang bumuboto sa isang voting precinct kaya naman maaari makaranas talaga ang mga ito ng mainit na panahon.
Wala umanong mga nakatalagang first aid station sa mga voting centers kung kaya’t nananawagan ito na magkaroon sana ng presensya ng health sectors o mga organisasyon na handang makipag kooperasyon sa magaganap na halalan.
Sa init ng panahon na naitatala lalo sa lungsod ng Dagupan, mainam umano kung may mga nakahaliling healthcare authorities sa mga presinto upang may matakbuhan sa oras na mangailangan ang mga botante.
Ayon naman sa Office of the Civil Defense Region 1, nagkaroon na umano ng koordinasyon ang COMELEC R1 sa Philippine Red Cross at magtatalaga ng Medical Aid Station sa mga voting centers sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments