COMELEC, dapat gawin ang lahat ng paraan para malabanan ang vote buying

Buo ang suporta ni Senator Koko Pimentel sa plano ng Commission on Elections o COMELEC na paglulunsad ng task force laban sa vote buying.

Ito ang task force “kontra bigay” na bubuuin ng National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Diin ni Pimentel, tama lang na gawin ng COMELEC ang lahat para labanan ang vote buying.


Ayon kay Pimentel, bawal ang vote buying pero hindi ang batas ang nagiging problema kaya ito ay nakakalusot kundi ang pangangalap ng ebidensya.

Facebook Comments