Live audience sa second round ng Season 84, target ng UAAP

Target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na magkaroon na ng live audience sa second round ng Season 84 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Ayon sa pamunuan ng UAAP, posible ito lalo’t nasa magandang sitwasyon na ang Metro Manila mula sa COVID-19.

Nakikipag-ugnayan na ang liga sa mga kinatawan ng MOA Arena at sa lokal na pamahalaan ng Pasay City upang maipatupad ito.


Magsisimula na mamaya ang first elimination round ng Men’s Basketball Competition.

Facebook Comments