Comelec, dapat managot sa aberyang naranasan nitong halalan – VP Robredo

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na dapat mapanagot ang Commission on Elections (Comelec) sa mga problemang naranasan noong midterm elections.

Matatandaang maraming vote counting machines (VCM) at SD cards ang nag-malfunction noong araw ng halalan.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na hindi katanggap-tanggap ang aberyang naranasan ng mga botante.


Ipinunto pa ng Bise Presidente, hindi na ito ang unang beses na isinagawa ang automated election sa bansa kaya hindi na dapat nangyari ang mga aberya.

Nanawagan si Robredo sa Comelec na magpaliwanag hinggil sa pag-offline ng transmission server sa loob ng pitong oras.

Facebook Comments