COMELEC, dumepensa sa pagkaantala ng listahan ng areas of concern

Inamin ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa nila mailabas ang listahan ng 104 areas of concern dahil sa patuloy na monitoring sa sitwasyon.

Ito ay kahit naisumite na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng 120 na lugar sa bansa na maikokonsiderang election areas of concern.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, bukod kasi sa assessment na ibinibigay ng militar at PNP, nais ng komisyon na magkaroon ng sariling assessment.


Aniya, mayroon kasing mga pagkakataon na ang isang lugar na nasa “green category” ay bigla na lamang mailalagay sa “red” o areas of grave concern.

Paliwanag ni Garcia, hindi magandang ideklara ang isang lugar sa ilalim ng kontrol ng COMELEC dahil lamang ito ay may label na “red.”

Nauna nang isinailalim ng COMELEC sa control ang mga bayan ng Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur dahil sa banta ng lokal na terorista.

Facebook Comments