95% ng mga nasasawi sa COVID-19, hindi pa bakunado – DOH

59

Inihayag ng Department of Health (DOH) na malaking porsyento ng mga nasawi sa COVID-19 ay ang mga hindi bakunado laban sa virus.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, nasa 95% ng mga nasawi ay unvaccinated habang 85% naman ng nasa severe at critical cases ay wala ring bakuna laban sa sakit.

Dagdag pa ng kalihim na ang hanay ng mga senior citizen ang may malaking porsyento sa mga namamatay sa bansa.


Dahil dito ay muling umaapela si Duque sa publiko na huwag sayangin ang pagkakataon na makakuha ng libreng bakuna upang maiwasan na maging severe o kritikal at masawi sa COVID-19.

Facebook Comments