COMELEC Event para sa Voter’s Registration Caravan, naapektuhan ng Nationwide Transport Strike

40

MANILA, PHILIPPINES – Apektado din ng nationwide transport strike ang COMELEC event para sa voters’ registration caravan.

 

Sa last minute schedule ng poll body, napilitan silang ipagpaliban na lang ang ilang bahagi ng programa.

 

Nabatid na lilibutin sana ng caravan ang University Belt, ngunit dahil walang pasok ang mga paaralan, ginawa na lang ang simpleng programa sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila.

 

Sentro kasi ng kampanya para sa maagang pagpaparehistro ang mga estudyante para makatulong din ang mga ito para mahimok ang ibang sektor ng lipunan na lumahok sa mga halalan.

 

Matatandaang isa sa malaking problema ng komisyon ang pahabaang pila ng mga botante kapag malapit nang magtapos ang registration period.



Facebook Comments