PNP Chief Dela Rosa, handa ng muling ibalik ang War on Drugs

34

MANILA, PHILIPPINES – Handa na si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na muling bumalik sa giyera kontra droga.

 

Ayon kay Dela Rosa – umapela ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa na ibalik ang war on drugs dahil sa muling bumabalik na naman sa dati ang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga matapos pansamantalang suspendihin ng pamahalaan ang oplan tokhang.

 

Iginiit naman ni Dela Rosa na hindi na kailangang tapusin pa ang internal cleansing sa PNP bago bumalik sa giyera kontra droga dahil sa wala naman aniya katapusan ang paglilinis sa kanilang hanay.

 

Sa kabila nito, wala pang balak si Dela Rosa na irekomenda sa Pangulo ang pagbabalik ng PNP sa kampanya kontra droga dahil sa ayaw anya niyang pangunahan ang punong ehekutibo.

 



Facebook Comments