Comelec executive na sangkot sa aberya sa debate, posibleng maharap sa criminal liability

Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng criminal liability ng ilang executive nito na sangkot sa diumano’y “grossly disadvantegous” deal sa Impact Hub Manila ang event organizer ng presidential at vice presidential debates ng poll body.

Ayon kay Commissioner Rey Bulay, ipinagtataka niya kung bakit pinayagan ng Comelec ang Impact Hub na kumita mula sa mga debate sa pamamagitan ng pagbebenta ng airtime para sa commercials at binayaran ng poll body ang organizer ng P15.3 million nang walang anumang legal na batayan.

Giit ni Bulay, walang obligasyon ang Comelec na magbayad sa Sofitel Philippine Plaza Manila, ang venue ng mga debate, dahil mismong ang Impact Hub ang pumasok sa kontrata sa nasabing hotel.


Kaugnay nito, nagbabala si Bulay sa mga opisyal ng Comelec na mahaharap sila sa kasong kriminal kapag inilabas nila ang P15.3-million counterpart money sa Impact Hub.

Binigyan din ni Bulay ng hanggang ngayong tanghali ang limang executives ng Comelec para magpaliwanag ukol sa insidente.

Una rito, ibinunyag ng Sofitel na makailang beses silang pinadalhan ng Impact Hub ng talbog na tseke dahilan para hindi matuloy ang debate ng Comelec na dapat ay gaganapin noong April 23 at 24.

Facebook Comments