Mga kumpanya ng langis, nag-anunsyo na ng bigtime oil price hike

191

Mas mataas na presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista bukas.

Epektibo simula alas-6:00 ng umaga ay magpapatupad ng P3.00 taas-presyo sa gasolina ang Pilipinas Shell at Seaoil; P4.10 naman sa diesel at P3.50 sa kerosene.

Kaparehong oil price hike ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene na epektibo naman alas-8:01 ng umaga.


Mamayang hapon, inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang oil price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.

Ito na ang ika-13 linggong pagsipa sa presyo ng krudo na ayon sa Department of Energy ay bunsod pa rin ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine at ng tumataas na ulit na demand sa langis ng China dahil sa pagluwag ng kanilang COVID-19 restrictions.

Facebook Comments