Comelec Gun Ban sa Cauayan City, Lalong Pinaigting!

Cauayan City, Isabela – Lalong pinaigting ngayon ng Cauayan City ang kanilang puspusang pag-kilos sa comelec gun ban upang makapagtala ng maayos at mapayapang election sa ika labing apat ng Mayo, taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Officer Esem Galiza, na tuluy-tuloy ang ginagawang check points ng PNP Cauayan City sa ibat’ ibang lugar at wala naman umano naitalang hot spot barangay sa lungsod.

Ayon pa kay Inspector Galiza mayroong check points sa Barangay ng San Fermin, Tagaran, Cabaruan at Minante upang masigurado umano ang kaligtasan at kaayusan ng buong Cauayan City.


Sa ngayon ay wala pa naman umanong nahuhuli ang PNP Cauayan may kaugnayan sa ipinagbabawal na baril o patalim.

Naniniwala si Galiza na malaki umano ang naitulong sa koordinasyon ng kanilang himpilan sa mga barangay dito sa lungsod ng Cauayan upang maipatupad ng maayos ang mga batas para sa nalalapit na halalan

Nanawagan pa si Police Senior Inspector Galiza sa taong bayan na panatilihin rin ang koordinasyon sa kapulisan para sa maayos na eleksyon.

Facebook Comments