COMELEC gun ban violators, umabot na sa 1,373 ayon sa PNP

Umabot na sa 1,373 ang mga indibidwal na nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Ito ay batay sa huling monitoring ng PNP Command Center nationwide.

Sa bilang ng mga nahuli, 11 ay pulis, 9 ay sundalo, 18 ay security guard, 1,324 ay sibilyan at may 11 iba pa.


Aabot naman sa 1,038 mga baril, 499 deadly weapons, at 6,100 na mga bala ang nakumpiska ng PNP sa mga naarestong mga gun ban violator.

Ang COMELEC gun ban ay magtatagal hanggang June 8, 2022 na layuning magkaroon ng payapang halalan sa Mayo.

Facebook Comments