MAGTATAHO, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang taho vendor matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kahapon sa Brgy. District, 4, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arjay Yerro, 36-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Nuesa 1, Roxas, Isabela.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nahuli ang magtataho matapos umano nitong bentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isanlibong piso (P1,000).

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang apat (4) na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.7 grams at nagkakahalaga ng mahigit sa P4,000.

Si Yerro ay kabilang sa Municipal Target Listed Drug Personality na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments