COMELEC, handang tumalima kung ipagpapaliban muli ang barangay election

Manila, Philippines – Susunod lamang ang Commission on Elections (COMELEC) sa kung ano man ang ipag-uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa barangay elections.

 

Reaksyon ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista, makaraang sabihin ng Pangulo na kanya na lamang itatalaga ang mga barangay officials kaysa magdaos ng barangay elections sa Oktubre.

 

Sinabi pa ni Bautista na ang mandato ng komisyon ay magpatupad ng batas tungkol sa halalan, kung kaya't kung ano man ang naging desisyon ng pangulo maging ng kongreso ay kanilang susundin.

 

Sa palagay pa nito maaari namang gawin ang pag-aappoint pero kinakailangan muna itong isabatas.

 

Sanay naman din aniya ang COMELEC na ipagpaliban ang barangay elections dahil makailang ulit na rin naman itong naantala.



Facebook Comments