COMELEC, hanggang 15-days lang ang kayang ibigay sakaling palawigin ang voter registration

Binigyang-diin ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na 15-days lang ang maaari nilang ibigay na palugit sakaling palawigin ang voter registration sa bansa.

Ito ang pahayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez sa interview ng RMN Manila kasunod ng pagpasa kahapon sa second reading ng Senate Bill No. 2408 na naglalayong i-extend ng isang buwan ang voter registration na mapapaso na sa September 30, 2021.

Ayon kay Jimenez, sakaling makapagpasa ng batas ang Kongreso ay agad silang susunod sa itinakda nito.


Pero para kay Jimenez, labing-limang araw lang ang kaya nilang ibigay para sa voter registration extension upang hindi malagay sa alanganin ang iba pang aktibidad ng poll body tulad ng filling ng Certificate of Candidacy (COC) at ballots printing.

Facebook Comments