Yumaong si dating DSWD Secretary Dinky Soliman, pinabibigyan ng pagkilala sa Kamara

274

Hiniling ni Quezon City Rep. Kit Belmonte sa Kamara na bigyang parangal ang pumanaw na si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Ayon sa privilege speech ni Belmonte, sinariwa nito ang mga nagawa ni Soliman noong siya ay nasa serbisyo pa sa pamahalaan na hindi alintana na maraming binangga magawa lamang ang mga programa para sa mga mahihirap.


Aniya, si Soliman na kaniyang kaibigan ay isa sa mga pinakamatuwid na taong kaniyang nakilala.

Hindi aniya nagnakaw, hindi ito naghangad ng sobrang kapangyarihan at hindi kailanman inisip ang pansariling interes.

Sa kabila rin aniya ng posisyon noon sa gobyerno ay nanatiling simple at marangal na tao si Soliman.

Giit ni Belmonte, marapat lamang na parangalan si Soliman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa mga nagawa nito sa sambayanang Pilipino.



Facebook Comments