COMELEC, hindi dapat makisawsaw sa partisan politics upang hindi maapektuhan ang integridad at kredibilidad ng eleksyon

Pinagsabihan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Elections (COMELEC) na huwag gumawa ng anumang hakbang na pumapanig sa sinumang kandidato.

Babala ni Drilon, ang pagiging bias ng COMELEC ay isang seryosong banta sa integridad at kredebilidad ng 2022 elections.

Pahayag ito ni Drilon dulot ng pagkaalarma sa mga ulat ng pag-abuso at hindi patas na pagpapatupad ng COMELEC ng ‘Oplan Baklas’ kung saan pati mga campaign material na nasa private property ay pinatatanggal.


Binanggit ni Drilon na sa ilalim ng Republic Act No. 9006 ay pinapahintulutan ang paglalagay ng propaganda materials sa mga pribadong lugar basta may pahintulot ng may-ari.

Ayon kay Drilon na dating justice secretary, ginagarantiyahan ng konstitusyon ang malayang pamamahayag sa panahon ng eleksyon.

Ipinaalala rin ni Drilon sa COMELEC ang mandato nito na tiyaking maayos, tapat, mapayapa at may kredibilidad ang halalan.

Facebook Comments