Pamamahagi ng subsidiya sa PUV drivers, dapat bilisan

Pinapamadali ni Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe sa gobyerno ang pamamahagi ng ipnangakong subsidiya sa mga driver ng pampublikong transportasyon.

Diin ni Poe, pinondohan na ito sa ilalim ng pambansang budget ngayong taon.

Mensahe ito ni Poe sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petroyo na labis na nagpapahirap sa mga tsuper ng public utility vehicles o PUVs.


Kaugnay nito ay sinabi ni Poe na maging mabusisi dapat sa pagsuri ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa listahan ng mga benepisyaryong PUV driver.

Paliwanag ni Poe, ito ay upang matiyak na walang kwalipikadong PUV driver ang mapag-iiwanan sa ayuda.

Facebook Comments