COMELEC, hindi lilimitahan ang bilang ng mga kandidato tuwing eleksyon

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila maaaring limitahan ang bilang ng mga kandidato sa pagkapangulo batay sa kanilang pagkakataong manalo.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang isang kandidato ay dapat lamang magpakita ng lehitimong layunin at kakayahan na tumakbo para sa isang pampublikong posisyon.

Sa ilalim ng Saligang Batas, lahat aniya ay may karapatang tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.


Sa ngayon, mayroong siyam na kandidato sa pagkapangulo para sa halalan sa Mayo kung saan ito na ang pinakamarami mula noong 1998 polls.

Samantala, humiling si COMELEC Commissioner George Garcia sa Kongreso na mag-apruba ng batas na nag-aatas sa mga kandidato na dumalo sa mga debate sa bawat halalan at magkakaroon ng mga parusa laban sa mga iiwas dito.

Sinabi pa ni Garcia na humingi na rin sila ng tulong sa law and education information departments upang suriin ang posibleng parusa sa mga debate skipper.

Facebook Comments