MANILA – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na walang mangyayaring dayaan sa halalan matapos na ma-hack ang website nito ng grupong anonymous Philippines.Ayon kay Comelec Spokesman Dir. James Jimenez, walang epekto ang nangyaring hacking sa paghahanda elekyson dahil hiwalay ang websites na gagamitin sa halalan.Nilinaw rin ni Jimenez na frontpage lamang ng website ang nabago at nanatiling intact ang database nito.Sa kabila nito, tiniyak ng Comelec IT Department na walang nakalusot na malware o virus sa system ng Comelec websites.Sinagot naman ni Jimenez ang apela ng hackers na ipatupad ang security features ng Vote Counting Machines (VCM).
Facebook Comments