Smartmatic,Tiniyak Na Hindi Maha-Hack Ang Vcm Sa Araw Ng Halalan

0

MANILA – Kampante ang Smartmatic na hindi maha-hack ang Vote Counting Machine (VCM) sa araw ng eleksyon.Ayon kay Atty. Karen Jimeno, Head ng Voters Education ng Smartmatic, mahirap mapasok ang proseso at resulta ng eleksyon dahil sa komplikadong hakbang na dapat daanan ng mga hacker.Paliwanag ni Jimeno, ang VCM ay hindi katulad ng website ng Comelec na nahack ng anonymous Philippines.Aniya, 24 oras na naka-online ang website ng Comelec habang ang mga VCM ay hindi naman pwedeng ma-access sa internet.Bukod dito, mahirap din makapa o makuha ang security code ng VCM.

Facebook Comments