COMELEC, hindi magsasagawa ng one-on-one presidential debate

Hindi magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng one-on-one presidential debate dahil hindi ito magiging patas sa ibang mga kandidato.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ang pagsasagawa ng one-on-one debate ay maaaring mangahulugan na ang poll body ay pumipili kung sinong mga kandidato ang magkakaroon ng pagkakataong magsalita sa publiko tungkol sa kanilang mga plataporma.

Aniya, ang lahat ng kandidato ay karapat-dapat sa kanilang pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang panig sa mga isyu.


Maari aniyang magsagawa ang mga media network ng one-on-one debates, pero ang COMELEC ay tiyak na hindi gagawin ito.

Sa Abril 3, nakatakda ang ikalawang presidential debate ng COMELEC.

Facebook Comments