PAGBIBIGAY SEGURIDAD NG PNP CAUAYAN NGAYONG PANAHON NG KAMPANYA, LALONG PAIIGTINGIN

24
Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagsisimula ng pangangampanya ng mga kumakandidato sa Local at National position ay lalo pang paiigtingin ng kapulisan ang kanilang pagbabantay at pagbibigay ng seguridad dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa unang araw ng pangangampanya ng mga local candidates dito sa Lungsod ng Cauayan ay naging maayos at kasalukuyan namang payapa ang kanilang ginagawang pangangampanya.

Ayon kay PLt Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, ginagawa pa rin naman ng kanilang mga kasamahan ang kanilang mandato sa kani-kanilang area of operation para matiyak at mapanatili na maayos ang ginagawang kampanya ng mga local candidates.

Samantala, patuloy pa rin ang maigting na pagpapatupad ng PNP Cauayan sa Gun ban na kung saan ay wala pa namang nahuhuli sa COMELEC Checkpoint na lumabag dito.

Facebook Comments