Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang nagpapatuloy na voters registration para sa nalalapit na 2022 elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, magtatapos na ang rehistrasyon sa ika-30 ng Septyembre.
Inaasahan naman ng Comelec ang pagbaba ng bilang ng mga boboto sa 2022 polls dahil sa pag-iingat sa COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, nagpaalala rin si Guanzon sa mga kakandidato na huwag nang kumandidato kung hindi naman seseryosohin ang pagtakbo dahil pag-aaksaya lamang ito sa panahon.
Ang voter registration ay ginaganap sa mga Comelec offices mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Dalhin lamang ang identification card, ballpen, voter registration form at huwag kalimutan ang pagsunod sa ipinapatupad na minimum health protocols.