Inanunsiyo ni Commission on Election (COMELEC) Spokesman James Jimenez na hindi na maari pang palawigin ang deadline ng pagpa-file ng substitution and withdrawal of Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay Jimenez, ang nag-file bago mag-alas-5 ng hapon ay ang abogado ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan na si Atty. Mel Arañas kung saan pinalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mona Lisa Visorde.
Paliwanag ni Jimenez, tanging 6 na Partylist lamang ang kanilang inaantay na nakapila kung saan hindi na umano babaguhin pa ang kanilang deadline ng filing of withdrawal and substitution at kanila ng isinara ang gate ng COMELEC upang hindi pahintulutan ang sinumang magpaplanong iurong at palitan ang kanilang kandidatura.
Giit pa ni Jimenez, hindi na umano maaaring palawigin pa ang pagpa-file para lamang pagbigyan ang ilang mga kilalang mga personalidad na napabalitang planong mag-substitute sa mga nauna ng nag-file ng kanilang COC.