COMELEC, hindi pabor sa mungkahi ng ilang grupo na magpatupad ng hybrid election system

Muling iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na kakailanganin ang batas para maipatupad ang hybrid system na botohan.

Ito’y kasunod ng panawagan ng ilang grupo na magkaroon ng hybrid elections para sa susunod na taon upang maging malinaw ang bilangan at walang mangyaring dayaan.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi sila pabor sa mga panawagan o mungkahi ng ilang grupo sa pagpapatupad ng hybrid elections.


Aniya, kung gagamitin ang naturang sistema ay maaantala ang eleksyon dahil aabutin ng tatlong araw ang pagbibilang ng boto sa isang voting precinct.

Sinabi pa ni Garcia na magagahol na rin sa oras kung ipipilit pa ang nasabing sisitema lalo na’t plantsado na ang COMELEC para magsagawa ng automated election sa susunod na taon.

Ang hybrid election system ay isinasagawa ng manual na pagboto at pagbilang nito sa mga precinct at automated transmission gayundin sa pag-canvass ng resulta.

Facebook Comments