COMELEC, hinikayat ang publiko na ihayag ang kanilang pagnanais na makaboto sa 2022 elections sa pamamagitan ng social media

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na ihayag ang kanilang pagnanais na bumoto sa darating na May 2022 National and Local Elections sa pamamagitan ng social media.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na magpadala lamang ng mensaheng: #iwillvotein2022.

Sa isang infographic, hinikayat din ni Jimenez ang mga netizens na mag-post ng thinking selfie.


Ipinakikita lamang ito na seryoso ang mga tao sa pag-iisip sa kung sino ang kanilang iboboto sa nalalapit na halalan.

Nanawagan din si Jimenez sa mga kwalipikadong botante na magparehistro sa nagpapatuloy na voters’ registration.

Ang panawagang ito ng poll body ay kasunod ng panukala ng isang kongresista na ipagpaliban na lamang ang 2022 elections sa gitna ng banta ng COVID-19.

Facebook Comments