COMELEC, hinimok ang publiko na bumoto sa off-peak hours sa May 2022 elections

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na bumoto sa “off peak” hours o “patay na oras” sa May 2022 elections sa harap pa rin ng banta ng COVID-19.

Ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho, kadalasang dumadagsa ang mga tao sa voting centers sa umaga at hapon.

Sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, kakaunti lamang ang mga taong pumupunta.


Dapat ikonsidera ng mga tao na bumoto sa nasabing oras para maiwasan ang pagsisikip sa polling precincts.

Ang mungkahing pahabain ang voting hours sa nalalapit na halalan ay tiyak na matutuloy pero pag-uusapan kung gaano kahaba ito.

Noong May 2019 elections, ang voting hours ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Facebook Comments